^

Probinsiya

3 katao patay sa hired killers

Raymund Catindig - The Philippine Star

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Tatlong katao, kabilang na ang isang 67 anyos na lolo na auditor ng samahan ng mga Senior citizens ang napatay ng mga hinihinalang hired killers sa dalawang magkakahiwalay na insi­dente sa bayan ng Luna at Cauayan City, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni Supt. Mariano Rodriguez, hepe ng pulisya ng Cauayan City ang dalawang biktima sa kanyang lugar na sina Randy Balilio 26, isang magsasaka at Rogelio Jose, 59 driver-operator ng pampasadang jeepney; pawang nakatira sa Brgy. Guilingan, Benito Soliven, Isabela. Ayon sa ulat, ang mga biktima ay tinambangan ng hindi nakilalang mga armadong salarin sa pampasadang jeepney ni Jose sa kahabaan ng provincial road sa Brgy. Cabugao ng nasabing lungsod dakong 3:30 ng hapon.

Sa isa pang insidente sa kalapit bayan ng Luna, pinabulagta ng dalawang hired killers ang auditor ng senior citizens ng bayang ito sa harapan ng kanyang tahanan sa Brgy. Pulay sa harap na nasaksihan ng na mga musmos na naglalaro ng holen sa lugar.

Nakilala ang biktima na si Juanito Lacunsay na isa ring magsasaka na agad binawian ng buhay sa tinamong mga tama ng bala sa katawan.

vuukle comment

AYON

BENITO SOLIVEN

BRGY

CAUAYAN CITY

ISABELA

JUANITO LACUNSAY

MARIANO RODRIGUEZ

RANDY BALILIO

ROGELIO JOSE

  • Latest
  • Trending
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with