^

Probinsiya

10 aso at pusa sa Cavite nilason!

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Nabulaga ang mga netizens matapos 10 aso at pusa ang matagpuang patay na hinihinalang nilason sa Brgy. Kaytitinga 3, Alfonso, Cavite nitong Martes ng umaga.

Batay sa ulat, kabilang sa mga natagpuang patay na hayop ay pitong aso at tatlong pusa.

Ang mga patay na mga aso at pusa ay may mga bula pa sa kanilang mga bibig na indikasyon na nilason ang mga ito.

Nadiskubre ng mga residente ang mga containers na naglalaman ng lason sa daga na inihalo sa kanin na ikinalat sa tabing kalsada sa dalawang magkahiwalay na lokasyon sa naturang barangay.

Sa pahayag ni Carl Andrei Fenol, isang animal enthusiast sa pulisya, bukod sa mga aso at pusa na nakabulagta sa daan ay may mga residente rin sa lugar na naglibing na ng kanilang mga alagang hayop na namatay umano at hinihinalang nalason.

Samantala, nakipag-ugnayan na rin sa mga awtoridad ang grupo ng mga “animal lover” sa bayang ito upang mapabilis ang imbestigasyon sa kaso at maparusahan ang mga nasa likod ng paglason sa naturang mga aso at pusa.

Magugunita na kama­kailan lamang, nasa 29 aso at pusa ang itinapon sa isang bakanteng lote sa San Jose, Bulacan na nagmula umano mula sa isang pet cremation sa Bacoor City, Cavite.

UMAGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with