^

Probinsiya

P3-M palit sa kalayaan ng trader

Rhoderick ­Beñez - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO , Philippines    â€” Pinalaya na ang negos­yanteng Bumbay na sinasabing kinidnap sa bahagi ng Cotabato City, Maguinda­nao makaraang magbayad ng P3 milyong ransom ang pamilya nito noong Sabado ng umaga.

Mismong sina Cotabato City Mayor Japal Guiani at Kidapawan City Vice Mayor Rodolfo Gantuangco ang kumuha sa biktimang si Mike Khemani na may-ari ng Sugni Super Store sa hangganan ng Kabuntalan at Datu Piang, Maguin­danao.

Sinasabing napilitan ang mga kidnaper na pakawalan si Khemani  dahil na-pressure ito sa pinaigting na operasyon ng militar, pulisya, Anti-Kidnapping Task Force at ang grupo ng Moro Islamic Liberation Front (MILF).

Sinabi ni Cotabato City Administrator Atty. Cynthia Guiani Sayadi na walang ibinayad na ransom money ang pamilya ng biktima.

Ngunit ayon sa intel report na nakarating sa him­pilan ng pulisya, aabot sa P3 milyong ransom ang ibinayad ng kamag-anak para ma-i-release ang biktima­.

ANTI-KIDNAPPING TASK FORCE

COTABATO CITY

COTABATO CITY ADMINISTRATOR ATTY

COTABATO CITY MAYOR JAPAL GUIANI

CYNTHIA GUIANI SAYADI

DATU PIANG

KIDAPAWAN CITY VICE MAYOR RODOLFO GANTUANGCO

MIKE KHEMANI

MORO ISLAMIC LIBERATION FRONT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with