^

Probinsiya

2 sundalo, 4 NPA sugatan sa bakbakan

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines- Dalawang sundalo at apat na miyembro ng mga rebeldeng New Peoples Army (NPA)  ang nasugatan sa engkuwentro sa bulubunduking bahagi ng Brgy. Cadsalan, San Mariano, Isabela kamakalawa.

Ito’y sa kabila ng pag­dedeklara ng unilateral ceasefire ng Communist Party of the Philippines matapos isailalim sa ‘national calamity’ ang bansa bunga ng hagupit ng bagyong Yolanda partikulara sa Visayas Region.

Ayon kay Isabela Police Director Sr. Supt. Sotero Ramos Jr. agad na ikinordon ang pulisya sa paligid ng mga bayang lalabasan ng mga nagsi-atrasang rebelde sa gilid ng Sierra Madre matapos makasagupa ang dalawang platoon ng Army’s 54th Infantry Battalion na nagsagawa ng combat operation sa kabundukan. Patuloy ang pagtugis sa nagsitakas na mga rebelde.

 

AYON

BRGY

COMMUNIST PARTY OF THE PHILIPPINES

INFANTRY BATTALION

ISABELA POLICE DIRECTOR SR. SUPT

NEW PEOPLES ARMY

SAN MARIANO

SIERRA MADRE

SOTERO RAMOS JR.

VISAYAS REGION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with