P2.5-M ari-arian naabo
CAVITE, Philippines — Aabot sa P 2.5 milyong halaga ng ari-arian ang tinupok ng apoy makaraang masunog ang dalawang establiÂsamento sa Barangay Salitran 1, Dasmariñas City, Cavite kamakalawa ng gabi. Sa police report na nakarating kay P/Supt. Carlos Barde, nagsimula ang sunog bandang alas-11:30 ng gabi kung saan tumagal ng dalawang oras bago maapula ang apoy. Kabilang sa nasunog ay ang magkaÂtabing Cayanan Furniture na pag-aari ni Tony Cayanan at Yna Christiana Wood Shop na pag-aari naman ni Thor De Jesus habang patuloy naman ang imbestigasyon.
- Latest