^

Probinsiya

Magkapatid na paslit nalunod

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patay ang magkapatid na paslit matapos ang mga itong malunod nang tangayin ng malakas na agos sa Dipolog River, Dipolog City, Zamboanga del Norte nitong Biyernes ng hapon.

Kinilala ni Chief Inspector Ariel Huesca, Spokesman ng Police Regional Office (PRO) 9 ang nasawing magkapatid  na sina Karla Yuson, 8-anyos at 5-anyos  na si Carlo; taga-Brgy. Barra ng lungsod.

Ang magkapatid ay kapwa idineklarang dead-on-arrival sa Zamboanga del Norte Medical Center, ilang minuto matapos ang mga itong isugod sa pagamutan.

Bandang alas-3 ng hapon ng malunod ang magkapatid sa Dipolog River  sa naturang lugar  na nag-ugat ng mawalan ng balanse si Carlo habang umiihi sa pampang ng ilog at tuluy-tuloy na mahulog sa malalim na bahagi ng ilog.

Samantalang tinangka naman ni Karla na iligtas ang bunsong kapatid ng makita ito na nagkakawag bunsod upang malunod rin ito.

vuukle comment

BANDANG

BIYERNES

BRGY

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

DIPOLOG CITY

DIPOLOG RIVER

KARLA YUSON

NORTE MEDICAL CENTER

POLICE REGIONAL OFFICE

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with