^

Probinsiya

2 COP sinibak sa pandodoktor ng crime report

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Dalawa pang hepe ng pulisya sa Central Luzon ang sinibak sa puwesto habang apat pa ang masusing iniimbestigahan kaugnay sa pandodoktor ng crime report na isinumite ng mga ito sa PNP Headquarters sa Camp Crame.

Kinilala ni PNP Public Information Office Chief P/Senior Supt. Reuben Theodore Sindac ang mga sinibak na sina P/Supt. Ponciano Zafra ng Gerona PNP sa Tarlac at P/Chief Inspector Orlando Reyes, station commander ng PNP station 2 sa Olongapo City PNP.

Samantala, apat na da­ting mga hepe sa Angeles City, Pampanga at Bataan ay kasalukuyan namang sumasailalim sa pre-charge investigation sa kahalintulad ng paglabag sa command memorandum circular ni PNP Chief Director General Alan Purisima.

Kabilang sa sumasailalim sa pre-charge investigation ay sina P/Supt. Neil Miro, ex-COP ng Mexico PNP; P/Chief Insp. Melencio Santos, ex-COP ng Station 4 sa Angeles City PNP;  P/Chief Insp. Ronaldo Lorenzo, ex-Station 5 commander ng Angeles City PNP; at si P/Senior Insp. Michael Chavez, ex-COP ng Station 3 sa Olongapo City PNP.

Ang pagsibak at pagsailalim sa mga hepe sa Central Luzon PNP ay rekomendasyon ni Purisima kay PNP Director Franciso Don Montenegro, PNP director for Investigation and Detective Management (DIDM) base sa audit simula noong Agosto 27 hanggang Setyembre 1, 2013.

ANGELES CITY

CAMP CRAME

CENTRAL LUZON

CHIEF DIRECTOR GENERAL ALAN PURISIMA

CHIEF INSP

CHIEF INSPECTOR ORLANDO REYES

DIRECTOR FRANCISO DON MONTENEGRO

INVESTIGATION AND DETECTIVE MANAGEMENT

MELENCIO SANTOS

OLONGAPO CITY

PNP

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with