^

Probinsiya

2 ex-army tiklo sa drug bust

Angie de la Cruz - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumagsak sa mga operatiba ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) ang  dalawang dating miyembro ng Philippine Army sa isang drug buy-bust operation sa Leyte.

Kinilala ni Undersecretary Arturo Cacdac, Jr., PDEA Director General ang nadakip na suspek na sina Fer­nando Aranez,42,may-asawa, ng Barangay 1, Giporlos, Eastern Samar at Lou Villaluna, 46, may-asawa, ng Baras, Palo, Leyte.

Ayon sa PDEA si Aranez ay kabilang sa watch-list drug personality sa lalawigan ng Eastern Samar. At dating sarhento na nakatalaga sa Special Operation Team Unit (SOT), 10th  Infantry Division, Camp Lucban, Catbalogan City, Western Samar at na Absent Without Official Leave (AWOL) simula 2007 at hinihinalang nasibak na sa serbisyo.

Samantalang si Villaluna naman na isang Corporal at nakatalaga sa 62nd Infantry Batalion, ng Philippine Army na nakabase sa Barangay Santa Maria, Agusan del Sur at naka AWOL din simula pa noong 2002 ayon kay Cacdac.

Bandang alas-10:15 ng umaga ng madakip ang mga suspek na nasamsaman ng ilang plastic sachet na naglalaman ng shabu at mga paraphernalia.

 

ABSENT WITHOUT OFFICIAL LEAVE

ARANEZ

BARANGAY SANTA MARIA

CAMP LUCBAN

CATBALOGAN CITY

DIRECTOR GENERAL

DRUG ENFORCEMENT AGENCY

EASTERN SAMAR

INFANTRY BATALION

INFANTRY DIVISION

PHILIPPINE ARMY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with