^

Probinsiya

Magkakapatid patay sa sunog

Rho­derick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MAGUINDANAO, Philippines - - Tatlong magkakapatid ang namatay matapos na makulong sa kanilang bahay na nasusunog kamakalawa ng gabi sa Barangay Taviran sa bayan ng Datu Odin Sansuat sa Maguindanao kamakalawa ng gabi.

Kinilala ang mga na­matay na sina Baillingga  Benito, 25; Baculot Benito, 18; at Baishirca Benito, 15.

Sa ulat ni SFO4 George Billones, operations ma­nager ng Bureau of Fire Protection  sa  ARMM, halos hindi na makilala ang tatlo dahil sa  grabeng pagkasunog ng mga katawan.

Lumilitaw naman sa pa­ngunang imbestigasyon na nawalan ng kuryente sa nasabing lugar kaya isang natumbang kandila ang pinagmulan ng apoy na kaagad kumalat sa bahay ng mga biktimang natutulog.

Nabatid na hirap pumasok ang mga bom­bero dahil sa makipot ang kalsada kung saan naapula naman bandang alas-9:43 ng gabi kung saan umabot sa 100 kabahayan ang nilamon ng apoy.

Tinatayang aabot naman sa P 5 milyong halaga ng ari-arian ang naputok ng apoy habang patuloy pa rin ang imbestigasyon.

vuukle comment

BACULOT BENITO

BAILLINGGA

BAISHIRCA BENITO

BARANGAY TAVIRAN

BENITO

BUREAU OF FIRE PROTECTION

DATU ODIN SANSUAT

GEORGE BILLONES

KINILALA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with