^

Probinsiya

3 Abu utas sa Basilan encounter

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Tatlong miyembro ng Abu Sayyaf Group kabilang ang kanilang sub-leader ang napatay habang pito naman ang nasugatan sa  walong oras na bakbakan laban sa tropa ng militar sa liblib na bahagi ng Barangay Materling at Brgy. Tongbato sa bayan ng Ungkaya Pukan, Basilan kamakalawa. Ito ang kinumpirma ni Col. Carlito Galvez, commander ng Army’s 104th Infantry Brigade matapos marekober ang bangkay ng isa sa mga bandido habang ang dalawa pa ay inilibing na ng mga kasamahang ban­dido. Kinilala ang napaslang na sub-leader na si Muadz, kanang kamay ni ASG Commander Furuji Indama. Samantala, pito rin sa mga bandido ang sugatang nagsitakas matapos makasagupa ang tropa ng 11th Scout Ranger Company sa pamumuno ng napatay na si Captain Harold Camazo at ang isa pang tauhan nito na si Pfc Haygee Tolentino. Apat namang sundalo ang nasugatan na tinukoy na sina Pfc Edison Trinidad,  Pfc Kennon Ammogan, Pfc Rafael Ringor at si Pfc Joshua­ Ducrao.

ABU SAYYAF GROUP

BARANGAY MATERLING

CAPTAIN HAROLD CAMAZO

CARLITO GALVEZ

COMMANDER FURUJI INDAMA

INFANTRY BRIGADE

PFC EDISON TRINIDAD

PFC HAYGEE TOLENTINO

PFC JOSHUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with