^

Probinsiya

Mag-asawa, 3 anak patay sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Kalunus-lunos na kamatayan ang sinapit ng mag-asawa at tatlo nitong anak makarang makulong sa nasusunog nilang establisyemento sa bayan ng Claver, Surigao del Norte, ayon sa ulat kahapon.

Ayon kay SPO1 Joel Verano ng Claver PNP, ang insidente ay kahapon lamang ng umaga iniulat sa kanilang tanggapan dahil sa may kalayuan ang lugar na pinangyarihan ng insidente na naganap dakong alas-12:10 ng madaling-araw noong linggo.

Kabilang sa namatay ay ang mag-asawang Gliserio Macalos, 73; at Marites Macalos, 49; mga anak na sina Axel John Macalos, 11; Mitch Macalos, 7; at si Angel Macalos, 5.

Sa imbestigasyon, naganap ang insidente sa isang lugar ng komersyo may ilang metro ang layo sa Taganito Mining Corporation sa bayan ng Claver.

Nabatid na ang mga biktima ay nasa loob ng kanilang auto supply ng magsimula ang sunog sa katabing boarding house.

Mabilis na kumalat ang apoy na umabot sa auto spare parts shop ng pamilya Macalos  at katabi nitong vulcanizing shop.

Lumilitaw naman sa inisyal­ na pagsusuri ng mga arson investigator na faulty electrical wiring sa boarding house ang pinagmulan ng apoy.

Umaabot naman sa P2.5 milyong halaga  ng ari-arian ang naabo kung saan tu­magal hanggang  Lunes ng madaling-araw.

ANGEL MACALOS

AXEL JOHN MACALOS

AYON

GLISERIO MACALOS

JOEL VERANO

KABILANG

MARITES MACALOS

MITCH MACALOS

TAGANITO MINING CORPORATION

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with