^

Probinsiya

15-anyos nasermunan ng ama, nagbigti

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Cagayan, Philippines  â€“ Nagpasalubong kay kamatayan ang 15-anyos na binatilyong nagbigti matapos itong sermunan ng kanyang ama dahil sa hilig nitong manligaw ng mga dilag sa Barangay sa Rafael West, bayan ng Sta. Maria, Isabela kamakalawa.

Kinilala ni P/Senior Insp. Arnold Bulan, hepe ng Sta. Maria PNP ang biktima na si Venant Tuliao, 3rd year high school student at residente sa nasabing lugar.

Ayon kay Bulan, lubos na ipinagdamdam ng biktima ang sermon ng kanyang ama sa labis nitong panliligaw ng mga dalaga sa kanilang lugar kahit na mayroon na itong dalawang nobya.

Nabatid na huling namataang buhay ang biktima sa lamayan ng patay subalit hindi namalayan ng kanyang mga kaanak na muli itong lumabas ng bahay at nagbigti sa punungkahoy.

Wala namang narekober na suicide note ang biktima at walang palatandaan may bahid ng foul play ang pagpapatiwakal ng tinedyer.

vuukle comment

ARNOLD BULAN

AYON

BULAN

ISABELA

KINILALA

NABATID

NAGPASALUBONG

RAFAEL WEST

SENIOR INSP

VENANT TULIAO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with