^

Probinsiya

Onsehan sa droga; 2 itinumba

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

QUEZON , Philippines   - Pinaniniwalaang onsehan sa droga kaya pinagbabaril hanggang sa mamatay ang dalawang drayber saka itinapon sa gilid ng kalye sa Pleasantville Subdivision, Barangay Ilayang Iyam, Lucena City sa Quezon  kamakalawa ng madaling-araw.

Kapwa napuruhan sa ulo ng bala ng cal. 45 pistol ang mga biktimang sina Roberto Ruiz, 34, traysikel drayber, ng Ciudad Maharlika; at Brandon Jimenez, 39, jeepney drayber, ng Barangay Cotta.

Bandang alas-3:30 ng madaling-araw nang madis­kubre ng security guard ng nasabing subdivision ang bangkay ng dalawa.

Narekober sa crime scene ang mga basyo ng cal. 45 pistol, improvise water pipe, at disposable lighter sa bulsa ng mga biktima. Napag-alamang si Ruiz na da­ting trike driver ay sumama kay Jimenez na sinasabing nagtutulak ng bawal na droga at nakulong noong 2011.

vuukle comment

BANDANG

BARANGAY COTTA

BARANGAY ILAYANG IYAM

BRANDON JIMENEZ

CIUDAD MAHARLIKA

JIMENEZ

KAPWA

LUCENA CITY

PLEASANTVILLE SUBDIVISION

ROBERTO RUIZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with