^

Probinsiya

P.5-M limas sa mag-asawa

Boy Cruz - Pilipino Star Ngayon

 BULACAN, Philippines – Aabot sa P.5 milyong cash ang nalimas sa mag-asawang trader makaraang holdapin ng mga di-kilalang lalaki na lulan ng dalawang motorsiklo sa kahabaan ng highway sa Barangay Tabang, bayan ng Plaridel, Bulacan kahapon. Kinilala ng pulisya ang mag-asawa na sina Henry Bordallo, 63; at Cecilia Bordallo, 61, kapwa nakatira sa nasabing barangay. Base sa police report, papauwi na ang mag-asawang negosyante lulan ng Honda Civic (ZSY-673) matapos mag-withdraw ng malaking halaga sa banko nang harangin at ratratin ng mga armadong lalaki na sakay ng dalawang motorsiklo pagsapit sa nasabing barangay. Tinangkang manlaban ni Henry matapos hablutin ng isa sa mga holdaper ang kanyang bag na naglalaman ng pera subalit pinagbabaril siya nito.

vuukle comment

AABOT

BARANGAY TABANG

BULACAN

CECILIA BORDALLO

HENRY BORDALLO

HONDA CIVIC

KINILALA

MAG

PLARIDEL

TINANGKANG

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with