2 tinodas sa iligal na droga
MANILA, Philippines - Pinabulagta ang dalawang lalaki matapos pagbabarilin ng riding-in tandem gunman kaugnay sa transaksyon sa iligal na droga sa Purok 2, Barangay Fili sa bayan ng Bayugan City, Agusan del Sur kamakalawa ng hapon Kinilala ang mga biktima na sina Jeb Candol, 23, karpintero; at Ralp Cafe, 27, kapwa nakatira sa Phase 1, Barangay Maygatasan sa nasabing lungsod. Bago ang pamamaslang, nagkita-kita ang mga biktima at nag-iisang suspek na lulan ng motorsiklo kaugnay sa sinasabing transaksyon ng iligal na droga. Nabatid na habang nakikipag-usap ang dalawa ay pinagbabaril na ito ng suspek. Bago malagutan ng hininga ang isa sa dalawa ay nagawang nitong matukoy ang bumaril sa kanila na si Abel “Calib†Tomarompong ng Phase 2, Brgy. Poblacion, Barobo.
- Latest





















