^

Probinsiya

Advertising exec dinukot, pinatay

Butch Quejada at Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE , Philippines   â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 25-anyos na marketing officer ng European Chamber of Commerce of the Phils. matapos itong dukutin ay pinagsasaksak at binigti pa ang mga di-kilalang lalaki saka itinapon sa Tibagan Bridge sa Barangay Sabutan, bayan ng Silang, Cavite noong Biyernes ng gabi.

Bandang alas-6 ng u­maga noong Sabado nang matagpuan ng mga ope­ratiba ng pulisya ang bangkay ng biktimang si Kristelle “Kae” Davantes, senior account manager ng advertising agency na McCann Worldgroup Philippines, Inc.

Ayon kay SPO2 Deogenes Zonio ng Silang PNP, ang biktima na iniulat na nawawala noong Biyernes ng gabi ay binusalan ng panyo at iginapos gamit ang seatbelt kung saan may mga sugat sa leeg na pinaniniwalaang nanlaban ang babae.

Natagpuan din ang isang patalim at kable ng adaptor ng laptop na sinasabing ginamit sa krimen.

“Maaring ‘yung wire din ginamit to strangulate,” dagdag pa ni SPO2 Zonio

Ayon pa sa police report, huling namataang buhay ang biktima sa bahagi ng Bonifacio Global City na nagmamaneho ng Toyota Altis (PIM 966).

Kasalukuyang nawawala ang nasabing kotse habang patuloy naman ang pagsisiyasat kung hinalay ang biktima.

 

AYON

BARANGAY SABUTAN

BIYERNES

BONIFACIO GLOBAL CITY

DEOGENES ZONIO

EUROPEAN CHAMBER OF COMMERCE OF THE PHILS

SILANG

TIBAGAN BRIDGE

TOYOTA ALTIS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with