6-anyos nene ni-rape ng 15-anyos
QUEZON, Philippines - Maagang napariwara ang kinabukasan ng 6-anyos na babae matapos na gahasain ng 15-anyos na binatilyong kapitbahay sa Baragay Poblacion sa bayan ng Unisan, Quezon, kamakalawa ng umaga. Pansamantalang kinukupkop ng lokal na sangay ng Department of Social Welfare and Development ang biktima na itinago sa pangalang Niña habang arestado naman ang suspek na itinago sa pangalang Ramon. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-9-30 ng umaga nang yayain maglaro ng suspek sa kanilang bahay ang biktimang naglalaro rin sa labas ng bakuran ng bahay. Dito na inilugso ng suspek ang pagkababae ng bata dahil sa wala ang mga magulang at sila lamang dalawa sa bahay kung saan binigyan pa ng tinapay ang biktima matapos ang panghahalay.
- Latest