P1.8-M shabu nasamsam sa drug bust
MANILA, Philippines - Umaabot sa P1.8 milÂyong halaga ng shabu ang nasamsam ng pinagsanib na puwersa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa dalawang lalaÂking hinihinalang tulak ng ipinagbabawal na gamot sa isinagawang buy-bust operation sa Davao del Sur.
Ayon kay PDEA Director General Usec. Arturo Cacdac, Jr. nakumpiska ang may 200 gramo ng shabu sa dalawang suspek na sina Emran M. Paidomama, alyas Manan Rakim, 37 ng Semba, SPDA, Datu Odin, Sinsuat at Hasmorin D. Kasim, alyas Pañero, 28, ng Parang, pawang sa Maguindanao.
Naaresto ang dalawa matapos makipagkasundong magbenta ng shabu sa isang poseur-buyer sa Quezon Avenue, Digos City, Davao del Sur. Nakakuha rin ang mga awtoridad ng 50 piraso ng tig P1,000 mula sa mga suspek .
Sinampahan na ang dalawa ng kaso sa paglabag sa Section 5 (Sale of Dangerous Drugs) at Section 11 (Possession of Dangerous Drugs), Article II ng Republic Act 9165, o Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002.
- Latest