^

Probinsiya

Mayor sa Nueva Ecija, nagsuko ng mga baril

Doris Franche-Borja - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines — Personal na nagsuko ng kanyang mga baril ang isang alkalde mula sa lalawigan ng Nueva Ecija bilang bahagi ng kampanya ng Philippine National Police (PNP) laban sa loose firearms.

Ayon kay Police Regional Office 3 Director, PBGen. Redrico Maranan, boluntaryong isinuko ng alkalde na hindi na pinangalanan ang kanyang limang baril kasabay ng pagkansela ng lisensya ng mga ito at ang kanyang permit to carry.

Ang hakbang na ito ay bahagi ng pinalakas na kampanya ng PRO3 laban sa loose firearms o mga baril na hindi lisens­yado o expired na lisensya.

Sinabi ni Maranan na layon ng programa na mabawasan ang banta ng kriminalidad at masiguro ang kaligtasan ng bawat mamamayan.

Ani Maranan, ang bo­luntaryong pagsuko ng baril ng mismong opisyal ng pamahalaan ay pagpapakita ng magandang halimbawa para sa lahat ng mamamayan na sumunod sa batas.

“Ang kampanya laban sa loose firearms ay hindi lamang laban ng kapulisan kundi res­ponsibilidad ng bawat mamamayan,” ani Maranan.

GUN

PNP

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with