^

Probinsiya

15 ‘terorista’ nagbalik-loob sa Maguindanao

John Unson - Pilipino Star Ngayon
15 ‘terorista’ nagbalik-loob sa Maguindanao
Ang 15 miyembro ng Lawless Terrorist Group na iprinisinta ng Brigade Support Area, 1st Brigade Combat Team ng 6ID-Philippine Army matapos magsisuko bitbit ang kanilang mga armas nitong Lunes sa Maguindanao del Norte.
Photo courtesy: DPAO-6ID-PA

CAMP SIONGCO, Awang, DOS, Maguindanao del Norte, Philippines — Nasa 15 na miyembro ng Lawless Terrorist Group (LTG) sa Maguindanao del Norte ang nagbalik-loob sa pamahalaan nitong Lunes ng umaga.

Sa isang programang isinagawa sa headquarters ng Brigade Support Area, 1st Brigade Combat Team, pinangunahan ni Lt. Col. Gilbert Boado, commanding officer ang pagprisinta ng mga sumukong indibiduwal kay Brig. Gen. Jose Vladimir Cagara, Commander, 1BCT.

Bitbit din ng mga ito ang kanilang mga kagamitang pangdigma na kinabibilangan ng apat na 40mm RPG, dalawang Cal. 50 Barret, isang M1 Carbine Cal. 30, isang Carbine Cal. 30 Garand, dalawang 7.62mm Sniper Rifle, isang KG9 9mm UZI, labing-isang IED, isang cartridge ng 40mm RPG with propellant at isang cartridge ng Rifle Grenade.

Ikinagalak naman ni Brig. Gen. Cagara ang piniling hakbang ng 15 dating combatant para sa kapayapaan at kaunlaran ng kanilang komunidad.

Pinasalamatan din ni Maj. Gen. Antonio G. Nafarrete, 6ID at JTF Central Commander ang lahat ng nagsumikap para makamit ang matiwasay at mapayapang komunidad na malayo sa banta ng mga armadong indibidwal.

GUN

TERRORIST

Philstar
  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with