^

Probinsiya

10 trak na white sand, pinigil

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

ILAGAN CITY, Isabela , Philippines   â€“ Pinigil ng mga awtoridad ang sampung trak na kargado ng white sand na sinasabing tinangkang ipuslit palabas ng Sta. Ana, Cagayan kamakalawa.

Ayon kay Sta. Ana MENRO head Florence Doniego, walang kaukulang dokumento na naipakita ang mga driver ng trak na dumayo at maghakot ng puting buhangin mula sa Anguib beach.


Kinilala ni P/Chief Insp. Romar Pacis, hepe ng Sta. Ana PNP ang mga naaresto na sina Antonio Caryon, Gervacio Gammad, Crescencio Albano, Leonardo Bunuan, Norberto Divina, Renato Mabanag, Carlos at Jose Anthony Batuy ng Cauayan City; Reynaldo Colares ng Reina Marcedes; at si Joselito Ramirez ng Naguilian na pawang nasa lalawigan ng Isabela.
 Pinawalan naman ng pulisya ang mga trak driver sa rekomendasyon ng lokal na pamahalaan matapos idiskarga sa munisipyo ng Sta. Ana ang mga hinakot na buhangin.


Nabatid na gagamitin sana sa proyekto ng pagpapagawa ng skypark sa kapitolyo ng Ilagan City ang puting buhangin.

 

ANTONIO CARYON

CAUAYAN CITY

CHIEF INSP

CRESCENCIO ALBANO

FLORENCE DONIEGO

GERVACIO GAMMAD

ILAGAN CITY

ISABELA

JOSE ANTHONY BATUY

JOSELITO RAMIREZ

LEONARDO BUNUAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with