2 JIL preachers pinatay ng 2 pulis
BATANGAS, Philippines – Nalalagay sa balag ng alanganing masibak sa trabaho at makalaboso ang dalawang pulis na pinaniniwalaang sangkot sa pagpatay ng dalawang babaeng preacher ng Jesus is Lord (JIL) Movement sa bayan ng Balete, Batangas noong Martes (August 6)
Ayon kay P/Supt. Isagani Fetizanan, Batangas PNP deputy director for opeÂrations, inutusan nila na mag-report sa Camp Miguel Malvar Police Office ang mga suspek na sina PO3 Jose Rico Benitez at PO2 Mhelven Pagkaliwangan, kapwa nakatalaga sa Belete PNP para sumailalim sa administrative investigation.
Sina PO3 Benitez at PO2 Pagkaliwangan ay iniuugnay sa pagpatay sa mga bikÂtiÂmang sina Adelaida FaÂbÂriÂcante, 46, ng Barangay Palsara at Leonila Cafe, 48, ng Barangay Sala.
Nabatid na unang pinalabas na ulat ng Balete PNP na sina Fabricante at Cafe ay biktima ng hit-and-run matapos matagpuan sa gitna ng barangay road sa Barangay Makina noong Martes ng gabi.
Napag-alamang kagagaÂling lang ng mga biktima sa prayer meeting ng JIL prayer sa Barangay Magape nang makisakay sa mobile ng mga suspek papauwi bago natagpuang patay sa gitna ng kalsada.
“Maraming miyembro ng JIL na nagpapatunay na nakisabay ang dalawa sa mobile patrol car ng dalawang pulis bago sila natagpuang patay,†pahayag ni Mayor Jovencio Hidalgo
Kasunod nito, nag-utos pa rin ng panibagong imÂbestigasyon si Balete Mayor Hidalgo matapos dumagsa ang libu-libong residente sa munisipyo para kondenahin ang pagpatay sa dalawang biktima.
Gayon pa man, humingi na rin ng tulong si Mayor Hidalgo kay Public Attorney’s Office (PAO) Chief Persida Rueda-Acosta, na agad namang nagsagawa ng imbestigasyon kasama ang kanyang mga abogado at medico-legal doctors.
“Base sa resulta ng post-mortem examination ng PAO sa dalawang biktima, kapwa nagtamo ng mga hataw ng matigas na bagay sa ulo, likod, mukha, may mga marka ng suntok sa kanilang hita at marka ng pagsakal ang mga biktima,†dagdag pa ni Mayor Hidalgo.
Inihahanda na rin nina Hidalgo at Acosta ang pagsasampa ng kasong kriminal sa Provincial ProÂsecutors Office sa Batangas ngayong araw laban sa dalawang suspek.
Mariin namang itinanggi ng dalawang pulis ang akusasyong pinatay nila ang mga biktima noong Martes ng gabi (Aug. 6)
- Latest