^

Probinsiya

Lola tinodas ni lolo saka nag-suicide

Ricky ­Tulipat - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Pinaniniwalaang matin­ding selos ang isa sa motibo kaya pinagtataga hanggang sa mapatay ang 70-anyos ng lola ang kanyang asawang lolo saka nagpakamatay sa loob ng kanilang tahanan sa Barangay Maygatasan, Bayugan City, Agusan del Sur.

Sa police report na nakarating sa Camp Crame, nakilala ang pinatay na si Editha Salamanes Hayon habang nagpakamatay naman si Fermin Enoy Hayon, 72, kapwa nakatira sa Purok-8, Barangay Maygatasan sa nabanggit na lungsod.

Lumilitaw sa inisyal na imbestigasyon, natutulog ang biktima  sa kanilang bahay nang dumating ang senglot na suspek bandang ala-1:40 ng hapon.

Makalipas ang ilang sandali, animoy’ sinapian ng masamang espiritu ang suspek at pinagtataga ang kanyang asawang natutulog.

Matapos na pagtatagain ang asawa ay sinasabing nahimasmasan ang suspek sa nagawa sa sariling misis kaya, nagsaksak ito sa sarili hanggang sa mamatay

Nasaksihan naman ang insidente ng kanilang 10-anyos na apo kaya naipaabot sa kinauu­kulang opisyal ng barangay bago nakarating sa himpilan ng pulisya.

 

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY MAYGATASAN

BAYUGAN CITY

CAMP CRAME

EDITHA SALAMANES HAYON

FERMIN ENOY HAYON

LUMILITAW

MAKALIPAS

MATAPOS

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with