^

Probinsiya

Mister niratrat, pinugutan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 28-anyos na mister matapos itong ratratin ay pinugutan pa ng mga di-kilalang kala­lakihan sa Barangay Lower Calarian, Zamboanga City sa Zam­boanga del Sur kamakalawa ng gabi.

Sa police report na natanggap ni Caraga PNP spokesman P/Chief Insp. Ariel Huesca, naganap ang malagim na krimen sa kahabaan ng Marlboro Drive sa nabanggit na barangay.

Nagtamo ng mga tama ng bala sa iba’t-ibang bahagi ng katawan ang biktimang si Alraben Jallao.

Samantala, pinagha­hanap pa ang ulo ng biktima na nabigong makita ng mga  operatiba ng pulisya.

Sa pahayag naman ng mga residente, bago ang umalingawngaw ang sunud-sunod na putok ng baril noong Linggo ng gabi ay isang lalaki ang nakita nilang kinakaladkad ng mga armadong kalalakihan ang sumisigaw ng saklolo kung saan naulit-ulit na sinasabing “Bakit ako ang sisisihin ninyo.”

Matapos ang malakas na pagbuhos ng ulan ay nagulantang na lamang ang mga residente  ng bumulaga sa kanila  ang pugot na ulo ng bangkay  ng lalaki na tadtad ng mga tama ng bala sa katawan kinabukasan.

Narekober ng mga ope­ratiba ng Scene of the Crime Operatives (SOCO) ang 36-basyo ng bala ng M16 rifle at cal. 45 pistol habang 19-bala na hindi pa naiputok at sampu pang slugs ng cal. 45 pistol.

Pinaniniwalaan namang matindi ang galit ng mga suspek sa biktima dahil hindi pa nakontento sa pamamaril ay pinugutan pa.

 

vuukle comment

ALRABEN JALLAO

ARIEL HUESCA

BAKIT

BARANGAY LOWER CALARIAN

CARAGA

CHIEF INSP

SCENE OF THE CRIME OPERATIVES

ZAMBOANGA CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with