^

Probinsiya

Pulis sa shootout vs tulak, patay na

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines - - Namatay na ang isa sa dalawang pulis na su­gatan sa pakikipagbarilan sa napatay na drug pusher sa inilatag na drug bust operation sa Barangay Maliksi 3, Bacoor City, Cavite noong Sabado ng hapon. Kinilala ang namatay na pulis na si PO2 Aries Tagle Lachica habang patuloy naman ginagamot sa ospital ang isa pang pulis na si PO1 Jorex Cutilban na kapwa nakatalaga sa Cavite provincial intelligence unit na na nakabase sa Camp Pantaleon Garcia sa Imus City, Cavite. Sa tala ng pulisya, sinalakay ng grupo ng  pulisya  ang kuta ng drug pusher na si John Francis Almedra Hernale sa  nabanggit na barangay. Gayon pa man, nanlaban at naki­pagbarilan si Almendra sa mga operatiba ng pulisya kung saan tinamaan ang dalawang pulis habang napatay naman ang drug pusher.

vuukle comment

ALMENDRA

ARIES TAGLE LACHICA

BACOOR CITY

BARANGAY MALIKSI

CAMP PANTALEON GARCIA

CAVITE

IMUS CITY

JOHN FRANCIS ALMEDRA HERNALE

JOREX CUTILBAN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with