^

Probinsiya

Ambush: MENRO officer, 1 pa utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Bumulagta ang 43-an­yos na Municipal Environment and Natural Resour­ces Officer at kaangkas nitong kaibigan matapostambangan ng mga di-kilalang lalaki sa kahabaan ng highway sa bayan ng Rosario, Agusan del Sur kamakalawa ng umaga.

Kinilala ang mga napatay na sina Camilo Castones, MENRO officer at kawani ng lokal na pamahalaan ng Rosario, Agusan del Sur; at Joseph Camarillo, 18, tricycle driver at naninirahan naman sa Purok Bahi, Barangay Sta. Cruz.

Sa ulat na nakarating sa Camp Crame, magkaangkas sa motorsiklo ang dalawa patungo sana sa MENRO monitoring post nang tambangan ng mga armadong salarin pagsapit sa bahagi ng Purok Guava sa Barangay Sta. Cruz.

Kabilang naman sa anggulong sinisilip ng pulisya ay personal na alitan at trabaho ng biktima kaugnay ng operasyon ng minahan sa bulubunduking bahagi sa Brgy. Sta Cruz.

vuukle comment

AGUSAN

BARANGAY STA

CAMILO CASTONES

CAMP CRAME

CRUZ

JOSEPH CAMARILLO

MUNICIPAL ENVIRONMENT AND NATURAL RESOUR

PUROK BAHI

PUROK GUAVA

STA CRUZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with