^

Probinsiya

Trader ng palay hinoldap

Christian Ryan Sta. Ana - Pilipino Star Ngayon

NUEVA ECIJA, Philippines – Aabot sa P.27-milyon ang natangay ng dalawang armadong lalaki makaraang holdapin ang 53-anyos na negosyante ng palay sa Barangay Catalanacan sa Muñoz City, Nueva Ecija kamakalawa ng umaga. Kinilala ng pulisya ang biktima na si Oscar Parocha ng Barangay Caloocan, San Jose City. Base sa police report, lulan ng trak ang biktima para mamili ng palay nang harangin at holdapin ng dalawang di-kilalang lalaki na sakay ng motorsiklo pagsapit sa nabanggit na barangay. Malaki ang paniniwala ng biktima na may kinalaman sa insidente ang isang alyas Alfie na sinasabing kausap nito sa pamimili ng palay dahil tinatawagan nito sa cell phone ay hindi na sumagot.

 

vuukle comment

AABOT

ALFIE

BARANGAY CALOOCAN

BARANGAY CATALANACAN

KINILALA

MALAKI

NUEVA ECIJA

OSCAR PAROCHA

SAN JOSE CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with