6 NPA, Cafgu todas sa encounter
MANILA, Philippines - Anim na armadong New People’s Army at isang Cafgu ang iniulat na napaslang matapos sumiklab ang bakbakan sa panghaharas ng detachment ng militiamen sa Barangay Banag-Banag, bayan ng Sibagat, Agusan del Sur kahapon ng umaga. Ayon kay Lt. Col. Leo Bongosia, spokesman ng Army’s 4th Infantry Division, bandang alas-5 ng umaga nang umatake ang mga rebelde sa detachment ng Citizens Armed Forces Geographical Unit. Sa kabila ng sorpresang pag-atake ay nagawang magdepensa ang mga sundalo ng Cafgu na nakipagbakbakan sa grupo ng mga rebelde. Kinilala ang napatay na Cafgu na si Elan Vincolado habang nasugatan naman ang kasamahang si Edwin Cempron. Gayon pa man, anim na rebelde ang napaslang makaraang magsagawa ng support operataion ang dalawang attack chopper ng Phil. Air Force.
- Latest