^

Probinsiya

Prusisyon sinalpok ng motorsiklo, 7 sugatan

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

DARAGA, Albay, Philippines — Nabahiran ng trahedya ang isinasagawang prusisyon ng mga deboto matapos na aksidenteng salpukin ito ng humahagibis na motorsiklo na ikinasugat ng pito katao sa kahabaan ng Maharlika highway sa Brgy. Villahermosa sa bayang ito kamakalawa ng gabi.

Ang mga biktima na kaagad naman na isinugod sa  Bicol Regional Training and Teaching Hospital  ay sina Teresita Asaytuno, Angelica Imperial, Henidina Lanosa, Celeste, Luz Gavina at Antonio Bahilllo, pawang mga residente ng naturang lugar.

Samantala ang driver naman ng motrosiklo na isinugod din sa naturang paga­mutan ay kinilalang si Adrian Mejino, nasa hustong gulang at residente ng Barangay Calo­ngay, Pilar, Sorsogon. Sa ulat ng pulisya, dakong alas-7:30 ng gabi nang masalpok ang mga biktima ng motorsiklong minamaneho ni Mejino na may plakang 1546-EK na patungong Sorsogon na mas­yadong mabilis ang takbo. Patuloy ang imbesti­gasyon sa kasong ito.

 

ADRIAN MEJINO

ANGELICA IMPERIAL

ANTONIO BAHILLLO

BARANGAY CALO

BICOL REGIONAL TRAINING AND TEACHING HOSPITAL

HENIDINA LANOSA

LUZ GAVINA

SORSOGON

TERESITA ASAYTUNO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with