^

Probinsiya

Magsasaka binoga

Raymund Catindig - Pilipino Star Ngayon

TUGUEGARAO CITY, Philippines - Patay ang isang 37 anyos na magsasaka matapos itong barilin ng desabog ng kainuman nitong konsehal ng Brgy.  Karikkikan Norte, Ilagan City, Isabela kamakalawa.


Kinilala ni Isabela Police Spokesman Supt. Narciso Paragas ang biktima na si Roberto Jimenez, samantalang ang suspek ay si Kagawad Ernie Ramos na pawang taga Brgy. Siffu.


Lumalabas sa imbestigasyon na nagyaya ng inuman ang nasabing konsehal sa kanyang farm sa Karikkikan Norte at sa sobrang lango sa alak ay inilabas nito ang kanyang baril na desabog at nagpaputok sa ere.


Tinangkang agawin ng biktima ang baril at pinagsabihan ang pasaway na kagawad.

Bunga nito ay lalong nagalit ang suspek  na napagbuntunang pagbabarilin ang biktima ng ilang beses sa iba’t-ibang bahagi ng katawan na ikinamatay nito.

Pinaghahanap na ng mga awtoridad ang tumakas na suspek.

BRGY

BUNGA

ILAGAN CITY

ISABELA

ISABELA POLICE SPOKESMAN SUPT

KAGAWAD ERNIE RAMOS

KARIKKIKAN NORTE

KINILALA

NARCISO PARAGAS

ROBERTO JIMENEZ

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with