^

Probinsiya

Bus nahulog sa bangin: 27 sugatan

Tony Sandoval - Pilipino Star Ngayon

TAGKAWAYAN, QUEZON, Philippines — Dalawampu’t pito katao ang nasugatan makaraang aksidenteng mahulog sa bangin ang sinasakyan ng mga itong pampasaherong bus sa highway ng Brgy. San Vicente ng bayang ito bago maghatinggabi nitong Biyernes.

Kabilang sa mga nasugatan ay ang sampung biktima na nilalapatan ng lunas sa Tagkawayan District Hospital na sina Roland Sibajon, 31, Arnel Doroteo,31, Josephine Barley, 45,Monica Siaton, Emmion Oraion, 20, Manuel Lagranada, 56, Gonzalo Joble, 65; Maria Lagranada, 54; Ma. Cecilia Orain, 27; at Jinky Agra, 43, at iba pa.

Ayon sa imbestigasyon ng pulisya, dakong alas-11:45 ng gabi habang lulan ng Peñafrancia Trans Travel and Transport ( TYV-2820 ) na minamaneho ni Gonzalo Joble ang mga  biktima at tinatahak ang Quirino highway patungo sa Maynila.

Iniwasan umano ni Joble ang bagong gawang kalye na naging dahilan upang mawalan ito ng kontrol sa manibela at tuluy-tuloy na bumulusok sa bangin na may lalim na  15-20  talampakan. Nagtulung-tulong naman ang mga rescuer upang maiahon ang mga biktima sa bangin matapos na maipit sa loob ng bus.

 

ARNEL DOROTEO

CECILIA ORAIN

EMMION ORAION

GONZALO JOBLE

JINKY AGRA

JOSEPHINE BARLEY

MANUEL LAGRANADA

MARIA LAGRANADA

MONICA SIATON

ROLAND SIBAJON

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with