Court employee kinatay
Cavite, Philippines — Brutal ang sinapit na kamatayan ng isang court stenographer matapos itong paslangin sa saksak gamit ang gunting at kutsilyo ng hindi pa nakilalang miyembro ng notoryus na akyat bahay gang na nanloob sa tahanan nito sa Kawit, Cavite kamakalawa.
Kinilala ang biktima na si Mateo Ladislao, 48-anyos, binata, stenographer ng korte at residente ng Block 2, Lot 3, Lakersfield Subdivision, Brgy. Toclong sa bayang ito.
Sa imbestigasyon ni PO2 Gabriel Gonzales, may hawak ng kaso dakong alas-4:50 ng hapon ng madisÂkubre ng kaibigan ng biktima na si Emmanuel Baketa, 25, binata ang krimen .
Ang biktima ay natagpuang nakahandusay ang duguang bangkay sa loob ng tahanan nito na nagkalat ang mga kagamitan matapos na maghalughog ang mga suspek.
Samantalang positibo naman ang pulisya na miyembro ng akyat bahay gang ang pumaslang sa biktima dahilan nawawala ang mga pera, mahahalagang kagaÂmitan tulad ng gadget, alahas nito at iba pa. Narekober sa crime scene ang duuang gunting at kutsilyo na ginamit sa krimen.
- Latest