^

Probinsiya

Mag-asawa todas sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Magkasabay na sinalubong ni kamatayan ang  mag-asawa makaraang makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa kahabaan ng A. Lopez Street sa Barangay Labangon, Cebu City, Cebu kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ng pulisya ang mag-asawa na sina Edgardo Miego, 60; at Margarita Miego, 57, kapwa  hindi na makilala sanhi ng grabeng pagkasunog ng kanilang katawan.

Nabatid na natutulog ang pamilya Miego ng sumiklab ang sunog kung saan nagawang makaligtas ng anak na si Jolly, mister nitong si Dante, at ang 5-anyos na anak na babae.

Nabigo namang mailigtas ang mag-asawa dahil sa nababalot na ng apoy ang buong kabahayan.

Sa pahayag ni Jolly sa mga imbestigador, humingi ng gatas ang kanilang anak kaya nagising siya at laking gulat nang sumalubong ang makapal na usok sa kusina kaya ginising ang asawa at agad silang lumikas patungo sa balkonahe palabas.

Mabilis na kumalat ang apoy na tumupok rin sa 21 iba  pang kabahayan.

Pinaniniwalaang faulty electrical wiring ang isa sa piangmulan ng apoy habang patuloy ang imbestigas­yon.

vuukle comment

BARANGAY LABANGON

CEBU

CEBU CITY

EDGARDO MIEGO

KINILALA

LOPEZ STREET

MABILIS

MAGKASABAY

MARGARITA MIEGO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with