^

Probinsiya

Ama inutas ng anak

Ed Casulla - Pilipino Star Ngayon

CAMP SIMEON OLA, Legazpi City , Philippines   â€“ Napatay ang 51-anyos na ama matapos hatawin ng tubo sa ulo ng sariling anak na lalaki kahapon ng madaling-araw sa Barangay Sta. Cruz sa bayan ng Jose Panganiban, Camarines Norte. Idinekla­rang patay sa ospital si Renato Jardin, magsasaka habang naaresto naman ang suspek na si Arjay “Bong” Jardin, 25, kapwa nakatira sa nabanggit na barangay. Sa police report, lango sa alak ang suspek nang umuwi kung saan nagsisigaw ito dahil hindi makita ang lighter para sa kanyang sigarilyo. Pinagsabihan ng ama ang suspek na huminahon subalit nagmistulang baliw na nagtatalak sa labas ng kanilang bahay. Nagalit ang biktima kaya hinambalos ng walis ang kanyang anak. Gumanti naman ang suspek at pinalo ng tubo sa ulo ang kanyang ama.

 

vuukle comment

ARJAY

BARANGAY STA

CAMARINES NORTE

CRUZ

GUMANTI

IDINEKLA

JOSE PANGANIBAN

LEGAZPI CITY

RENATO JARDIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with