^

Probinsiya

4 bata nilamon ng lupa

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Nalibing nang buhay ang apat na bata matapos lamunin ng landslide sa naganap na insidente sa Purok 4, Barangay Sayao sa bayan ng Kabasalan, Zamboanga Sibugay kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang mga biktima na sina Fatima Maghanoy, 12; Eugene Maghanoy, 9; Sherlyn Maghanoy, 7; at si Eziquel Meziah Maghanoy, 3, pawang nakatira sa nasabing bayan.

Sa ulat ni P/Chief Inspector Ariel Huesca na isinumite sa Camp Crame naitala ang insidente bandang alas-2:30 ng hapon kung saan nagpapahinga ang mga bata sa inabandonang bahay na pag-aari ni Semion Buray matapos abutin ng malakas na buhos ng ulan.

Dito na biglang dumagundong ng malakas at kasunod nito ay natabunan nang gumuhong bundok ang bahay na kinaroroonan ng mga bata.

Nagsisigaw pa ang mga magulang ng mga biktima para palikasin ang mga anak pero sa isang iglap ay tuluyang nilamon ng lupa ang bahay na sinilungan ng mga ito.

Sa kasalukuyan ay patuloy naman ang paghahanap ng search and rescue team sa mga biktima na hindi pa rin natatagpuan. 

 

vuukle comment

BARANGAY SAYAO

CAMP CRAME

CHIEF INSPECTOR ARIEL HUESCA

EUGENE MAGHANOY

EZIQUEL MEZIAH MAGHANOY

FATIMA MAGHANOY

SEMION BURAY

SHERLYN MAGHANOY

ZAMBOANGA SIBUGAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with