^

Probinsiya

Sanggol gutay sa granada

Rhoderick Beñez at Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

NORTH COTABATO, Philippines - Halos magutay ang katawan ng 7-buwang gulang na sanggol na babae habang malubha naman ang ina nito matapos sumabog ang granada sa bahay ng mag-ina sa Malvar Street, Barangay Poblacion sa bayan ng Kabacan, North Cotabato kahapon ng madaling-araw.

Kinilala ni P/Supt. Leo Ajero, hepe ng Kabacan PNP, ang nasawi na si Chelzy Jaye Eliarda, habang sugatan naman ang ina ng bata na si Suhainah, 33, na naisugod sa Kabacan Medical Specialist Hospital.

Sa imbestigasyon ng pulisya, natutulog si Suhainah kasama ang isa pa nitong anak na lalaki habang nasa kuna naman ang sanggol nang biglang sumabog ang granada na sinasabing inihagis ng di-kilalang lalaki

Una nang lumabas sa imbestigasyon ng Kabacan PNP na posibleng may kinalaman sa katatapos na halalan sa bayan ang pagsabog.

Ang grenade blast sa Malvar Street ay pangatlo na sa bayan ng Kabacan simula noong Linggo.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

CHELZY JAYE ELIARDA

KABACAN

KABACAN MEDICAL SPECIALIST HOSPITAL

KINILALA

LEO AJERO

LINGGO

MALVAR STREET

NORTH COTABATO

SUHAINAH

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with