^

Probinsiya

Lola pinatay sa palo

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Brutal na kamatayan ang sinapit ng 66-anyos na lola matapos  pagpapaluin ng kahoy at saksakin ng hindi nakilalang lalaki sa Barangay Upper Pulacan, bayan ng Labangan, Zamboanga del Sur kamaka­lawa.

Sa ulat ni P/Chief Ins­pector Ariel Huesca na nakarating sa Camp Crame, kinilala ang napaslang na si Nelly Sollano.

Ang bangkay ng matanda na natagpuan bandang alas-8:30 ng umaga ay nagtamo ng malalalim na pukpok sa noo, sugat sa kaliwang ulo at mga saksak sa iba pang bahagi  ng katawan.

Sa inisyal na imbestigasyon ng pulisya, lumilitaw na  nabigo ang biktima na makauwi noong bisperas ng halalan gayong namataan itong naghahanda na para bumoto kinabukasan.

Natuklasan na lamang ang masaklap na sinapit ng biktima matapos na mapadaan  ang isa nitong kapitbahay kung saan nakita ang matanda na nakabulagta sa damuhan.

vuukle comment

ARIEL HUESCA

BARANGAY UPPER PULACAN

CAMP CRAME

CHIEF INS

LABANGAN

NATUKLASAN

NELLY SOLLANO

ZAMBOANGA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with