^

Probinsiya

Hustisya sa pinaslang na vice mayor

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Patuloy na sumisigaw ng hustisya ang pamilya ng bise alkalde ng Talisay, Batangas na biktima ng ambush slay, mahigit isang taon na ang nakalilipas.

Sa kaniyang pagtungo sa Camp Crame, hiniling ni Bartolome Manimtim, nakatatandang kapatid ng pinatay na si dating Talisay Vice Mayor Florencio Manimtim Jr. na bigyang proteksyon ang kaniyang pamilya kaugnay ng mga natatanggap na pagbabanta sa kanilang buhay.

Umapela rin si Manimtim kay PNP Chief Director Ge­neral Alan Purisima na dakpin sa lalong madaling panahon ang mga nakalalaya pang salarin ng kaniyang kapatid.

Si Manimtim ay pinagbabaril at napatay ng riding-in-tandem sa bisinidad ng Mall of Asia sa Pasay City noong Disyembre 15, 2011.

 Matapos ang halos isang taon ng mapatay ang lokal na opisyal, nasakote ang isa sa mga suspek na si Ramon Pantua ng mga operatiba ng PNP Anti-Kidnapping Group at inamin na siya ang triggerman sa pamamaslang.

 Samantalang, ibinulgar naman ng isa sa mga suspek sa pamilya ni Manimtim kung sino ang utak sa krimen at sinabing handa siyang tumestigo laban sa mga ito bunsod upang sampahan na nitong Mayo 7 ng kasong murder sa Department of Justice ang mga personalidad na isinangkot sa ambush-slay.

 Kabilang sa mga kinasuhan sa DOJ ay sina Gerry de Castro Natanauan, ma­yoralty candidate sa Talisay, Batangas; kapatid nitong si Charlie Natanauan; PO1 Gary Villanueva ng Talisay; Ramon Pantua at Anthony Aquipel. Idinagdag pa nito na ang kaniyang kapatid ay walang kaaway na naging alkalde sa loob ng siyam na taon at siyam na taon ring bise alkalde sa kanilang bayan.

 

ALAN PURISIMA

ANTHONY AQUIPEL

ANTI-KIDNAPPING GROUP

BARTOLOME MANIMTIM

BATANGAS

CAMP CRAME

CASTRO NATANAUAN

RAMON PANTUA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with