^

Probinsiya

Dalagita ni-rape ng textmate

Pilipino Star Ngayon

CEBU CITY, Philippines – Sapilitang kinuha ang iniingatang kayamanan ng 13-anyos na dalagita matapos itong makumbinsi at halayin ng kanyang textmate na 20-anyos na college student sa loob ng motel sa Mandaue City, Cebu noong Sabado ang gabi.

Arestado ang suspek na si Alfonso Chin Basubas ng Villa Leyson Subdivision sa Barangay Bacayan, Cebu City matapos maaktuhan sa loob ng motel sa Barangay Guizo na kasama ang biktimang menor-de-edad.

Sa ulat ni P/Senior Insp. Wilson Abot, hepe ng Basak PNP, nagkasundo ang biktima at suspek na magkita sa mall sa Mandaue City noong Linggo ng umaga (Abril 21).

Dito na hinimok ng suspek ang biktima na pumasok sa motel sa Cebu City kung saan naganap ang krimen.

Hindi na nakapalag ang biktima sa maitim na balak ng suspek na nakilala lang niya sa alyas na Chin.

Naipaabot naman ng biktima sa kanyang mga magulang ang naganap na rape kaya nang muling mag-text ang suspek sa dalagita para mag-motel ay inilatag na ang operasyon ng pulisya. Freeman News Service

vuukle comment

ABRIL

ALFONSO CHIN BASUBAS

BARANGAY BACAYAN

BARANGAY GUIZO

CEBU CITY

FREEMAN NEWS SERVICE

MANDAUE CITY

SENIOR INSP

VILLA LEYSON SUBDIVISION

WILSON ABOT

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with