^

Probinsiya

Barangay chairman itinumba

Tony Sandoval at Michelle Zoleta - Pilipino Star Ngayon

QUEZON, Philippines – Pinabulagta ang 44-anyos na  barangay chairman matapos pagbabarilin ng riding-in-tandem gunmen sa labas ng kanyang bahay kamakalawa ng gabi sa Barangay Sta. Catalina Norte, bayan ng Candelaria, Quezon.

Kinilala ni P/Supt. Francisco Ebreo, hepe ng Candelaria PNP ang biktimang napuruhan sa ulo na si Chairman Calixto Pita Clanor ng nabanggit na barangay.

 Samantala, isa sa mga suspek na si  Dennis Pateña, 32, ng Sitio Cinderella, Brgy. Sta. Catalina Sur ay nasakote ng pangkat ni SPO3 Norbel Sotto habang  ang isa pang suspek na si Alladin De Villa Cornejo ay sumuko.

Nabatid na karara­ting lamang ng biktima sa kanyang bahay mula sa panonood ng basketball nang lapitan at ratratin ng tandem.

Tinangay pa ng tandem ang cal. 45 pistol na pag-aari ng biktima kung saan narekober naman sa crime scene ang siyam na basyo ng bala ng baril.

vuukle comment

ALLADIN DE VILLA CORNEJO

BARANGAY STA

CALIXTO PITA CLANOR

CANDELARIA

CATALINA NORTE

CATALINA SUR

DENNIS PATE

FRANCISCO EBREO

NORBEL SOTTO

SITIO CINDERELLA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with