^

Probinsiya

Biyanan ni-rape slay ng manugang

Cristina Timbang - Pilipino Star Ngayon

CAVITE, Philippines  â€“ Brutal na kamatayan ang sinapit ng 69-anyos na biyanan makaraang halayin ay hinataw pa sa ulo ng sariling manugang saka itinapon sa creek kamakalawa ng gabi sa Barangay Langkaan 2, Dasmariñas City, Cavite.

Sa police report na nakarating kay P/Supt. Joseph Barias Penaflor, kinilala ang biktimang manghihilot na si Adelina Fernan, biyuda at nakatira sa Sitio Humayao sa nasabing barangay.

Bandang alas-9:30 ng gabi nang matagpuan ng mga barangay tanod ang bangkay ng biktima na walang saplot ang pang-ibaba kung saan nakabulagta sa creek kung saan iniwan ng suspek na si Noel Valle na pinaniniwalaang adik sa bawal na droga.

Base sa ulat, bandang alas-8 ng gabi nang hanapin ni Tessie Valle ang kanyang ina kung saan inabutan nito sa kanilang bahay ang mister na si Noel na nagpapalit ng damit kahit walang ilaw.

Nagduda na si Tessie sa ikinikilos ng kanyang mister sa loob ng kanilang tahanan matapos matagpuan ang bag ng kanyang ina na ginagamit sa panghihilot.

Kinompronta ni Tessie ang mister tungkol sa kanyang ina subalit sa halip na sagutin ay nagpakuha umano ito ng damit.

Dahil sa kakaibang na­ramdaman ay lumabas ng bahay si Tessie at nagpasaklolo sa ilang barangay tanod subalit hindi na ina­butan sa bahay ang kanyang mister na sinasabing tumakas.

Narekober sa tabi ng bangkay ng biktima ang t-shirt at sumbrero ng suspek.

vuukle comment

ADELINA FERNAN

BANDANG

BARANGAY LANGKAAN

JOSEPH BARIAS PENAFLOR

NOEL VALLE

SITIO HUMAYAO

TESSIE

TESSIE VALLE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with