^

Probinsiya

Ministro ng Iglesia itinumba, 5 pa sugatan

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Labindalawang (12) tama ng bala ang tumapos sa buhay ng isang ministro ng relihiyong  Iglesia Filipina In­dependiente (IFI) makaraan itong pagbabarilin ng dalawang armadong kalalakihan sa huli nitong hapunan sa  Libertad, Misamis Oriental, ayon sa ulat kahapon.

Kinilala ang biktima na si Sofronie Bombeo, 52-anyos, lay minister ng nasabing relihiyon.

Isinugod naman sa pagamutan ang mga sugatan nitong kasamahan na sina Cocoy Juliada, Santos Acain, Felix­berto Villarin, Crispin May Poblete at Lucita Ceballo; pawang mga nagtamo ng mga tama ng bala sa paa at binti.

 Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 10, katatapos lamang magdaos ng misa noong Huwebes ng gabi ng biktima at kasalukuyan na itong kumakain ng hapunan sa function hall ng IFI Cathedral sa Poblacion ng Libertad nang mangyari ang insidente.

Bigla na lamang umanong pumasok sa function hall ang mga armadong salarin na nagpanggap na mga kasapi ng IFI at saka pinagbabaril  nang malapitan si Bombeo na kasalukuyang naghahapunan.

Narekober sa pinangyarihan ng krimen ang mga basyo ng bala at cartridge ng cal. 9mm pistols. Nagsasagawa na ng follow-up investigation ang mga awtoridad sa kasong ito upang matukoy ang motibo ng krimen at maaresto ang mga salarin.

vuukle comment

COCOY JULIADA

CRISPIN MAY POBLETE

IGLESIA FILIPINA IN

LIBERTAD

LUCITA CEBALLO

MISAMIS ORIENTAL

POLICE REGIONAL OFFICE

SANTOS ACAIN

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with