Tulak nang-agaw ng baril, dedo
BUENAVISTA,Quezon, Philippines - Namatay ang 44-anyos na sinasabing notoryus na drug pusher makaraang tamaan ng bala ng baril mula sa inagaw na abril ng pulis habang nakasakay sa patrol car kamakalawa ng hapon sa Barangay Poblacion, bayan ng Buenavista, Quezon. Nagtamo ng tama ng bala ng cal. 45 pistol sa baba na tumagos sa ulo ni Emelito “Totoy Bansot†Becenio, may-asawa, at residente ng nasabing barangay. Sa imbestigasyon ng pulisya, dakong ala-una ng hapon ay dinakip ng mga operatiba ng pulisya ang suspek sa kasong pagtutulak ng bawal na droga habang ito ay nakasakay sa motorsiklo. Nakumpiska sa suspek ang cal. 22 revolver, isang plastic sachet ng shabu at ang motorsiklo. Habang sakay ng patrol car ang suspek ay nagawang makalas ang posas sa kanyang mga kamay at inagaw ang baril ng pulis na nagmamaneho. Nakipag-agawan ng baril sa dalawang police escort si Becenio hanggang sa pumutok ang baril at tumama sa kanya.
- Latest