^

Probinsiya

6-anyos ni-rape slay ng adik na driver

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Hindi na iginalang ang Semana Santa ng 22-anyos na pedicab driver na sinasabing adik sa droga matapos nitong halayin ang 6-anyos na batang babae ay pinatay pa saka isilid sa plastic bag at itinago ang bangkay sa ilalim ng kaniyang kama sa Victorias City, Negros Occidental noong Linggo ng Palaspas.

Isang pares na tsinelas ang nagsilbing susi para madiskubre ang malagim na krimen laban sa biktimang si Kim Marie Jane Canete na nabigong umuwi noong Sabado ng gabi.

Sa ulat ni P/Supt. Alexan­der Muñoz, hepe ng Victorias City PNP, hu­ling namataang naglalaro ang biktima malapit sa barung-barong ng suspek na si Ricky Gentilizo, 22, ng Barangay 16 A, New Barrio sa nasabing lungsod.

Bandang alas-11 ng umaga kamakalawa sa mismong araw ng Linggo ng Palaspas nang marekober ang bangkay ng biktima sa barung-barong ng suspek.

Arestado naman ang suspek na hindi na nakapalag sa pulisya matapos marekober ang bangkay ng biktima sa mismong ilalim ng kanyang kama.

Pinaniniwalaang may plano ang suspek na itapon ang bangkay ng bata kaya nakasilid na ito sa plastic bag na tinambakan pa ng damit sa ilalim ng kaniyang kamang kahoy at tumitiyempo lamang na walang makakitang tao.

Ang bangkay ng biktima na hinihinalang tinakpan ng unan ang mukha hanggang sa mamatay ay hubo’t-hubad na nakabaluktot sa plastic bag na pinagsidlan.

Batay sa imbestigas­yon, kung hindi dahil sa tsinelas ng suspek na kinilala ng kapatid nito na naiwan sa labas ng palikuran kung saan naglaro ang bata may ilang metro ang layo sa bahay nito ay hindi madidiskubre ang brutal na krimen.

 

vuukle comment

ALEXAN

KIM MARIE JANE CANETE

LINGGO

NEGROS OCCIDENTAL

NEW BARRIO

PALASPAS

RICKY GENTILIZO

SEMANA SANTA

VICTORIAS CITY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with