^

Probinsiya

Binatilyo nahulog sa kuweba, utas

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Naging mitsa ng kamata­yan ng isang 16 anyos na binatilyo ang panghuhuli nito ng paniki makaraang aksidenteng mahulog sa isang  butas sa kuweba na minalas pang dumeretso sa malalim na bangin sa bayan ng Tabuelan, Cebu kamakalawa. Kinilala ang biktima na si Bryan Ere, residente ng Brgy. Cantubon, dead-on-arrival sa pagamutan matapos na tumama pa ang ulo sa isang malaking bato. Sa ulat ng Cebu Police, naganap ang insidente  pasado alas-5 ng umaga sa  kuweba ng Himaroto na nasa pagitan ng hangganan ng Brgy. Cantubon at  Brgy. Canlungahon sa kagubatan ng nasabing bayan.

 Ayon sa pulisya ang biktima kasama ang ama nitong si Elmer at tiyuhing si Roldan Caballero ay nangha-hanting ng mga paniki gamit ang flashlight sa kuweba nang mang­yari ang insidente. Abala­ umano ang biktima sa paghahanap ng paniki sa loob ng madilim na kuweba kaya hindi nito napansin ang butas kung saan tuluy-tuloy itong nahulog sa may 200 metrong bangin sa lugar na may sampung oras bago narekober ng search and rescue team.

 

vuukle comment

ABALA

AYON

BRGY

BRYAN ERE

CANLUNGAHON

CANTUBON

CEBU

CEBU POLICE

ROLDAN CABALLERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with