^

Probinsiya

Stude binu-bully, nagbaril sa sarili

Pilipino Star Ngayon

BATANGAS, Philippines – Binalot ng dalamhati ang buong campus ng kilalang catholic school dito sa lungsod ng Batangas matapos magbaril sa sarili ang 14-anyos na estudyante noong Lunes dahil umano sa pambu-bully ng kanyang mga kaklase.

Patay na nang matagpuan ng mga pulis si Lee Young Gunay, second-year student St. Bridget College, sa loob ng kuwarto ng kanyang mga magulang sa Madonna Homes Subdivision sa Brgy. Alangilan, Batangas City bandang alas-10:00 ng gabi

Sa isinagawang imbestigasyon, nagtamo ng isang tama ng bala ng cal. 45 baril si Gunay sa kanang bahagi ng kanyang sentido na naging sanhi ng kanyang kagyat na kamatayan.

Ayon sa ama ng biktima na si Willy Gunay, posibleng matinding depresyon ang nagtulak para magpakamatay ang kanyang anak matapos bumagsak sa kanyang Math subject.

Gayunman, ikinagulat naman ni Willy ang pahayag ng pamangkin na si Shaina sa nadiskubre nitong laman ng Facebook account at secret group ng pinsan.

Ani Shaina, nabasa nito sa secret group ng pinsan na “2-Gratitude” ang mga katagang- “ dapat tumigil na tayo sa pambu-bully kay Lee”

 â€œNgayon ko lang nalaman sa mga classmates niya (Lee) na kung anu-ano pala ang itinatawag sa kanya sa iskul. Tinatawag daw siyang bulugan, bakla at may body odor kaya laging tinutukso na naba-basted sa mga nililigawan niya” dagdag pa ni Shaina

 Sinisisi rin ni Willy ang class adviser ng anak dahil hindi muna sila kinausap sa bagsak na subject ng kanilang anak bago nito sinabihang kailangang mag- summer remedial class ito.

“Alam kong ayaw na ipaalam ng anak namin ang problema niya dahil sa sakit kong diabetes at sa hirap ding dinadanas ng mommy niya sa trabaho” paliwanag ni Willy.

Nakarekober ang isang suicide note sa tabi ng biktima na may nakasulat na– “ Mame, Hwag nyo po kalimutan na mahal ko kayo, Lei”

Itinanggi naman ni Willy na sa kanya ang baril na ginamit sa pagpapakamatay ng kanyang anak at iginiit na may iba siyang baril na may lisensya.

Kamakailan lang, nagpakamatay din ang 16-anyos na si Kristel Tejada ng University of the Philippines (UP)-Manila matapos mabigong makapag enrol dahil sa kakulangan ng pera.

 

ANI SHAINA

BATANGAS CITY

KANYANG

KRISTEL TEJADA

LEE YOUNG GUNAY

MADONNA HOMES SUBDIVISION

SHAINA

ST. BRIDGET COLLEGE

UNIVERSITY OF THE PHILIPPINES

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with