Kumidnap sa trader, nadakma
BULACAN, Philippines - Bumagsak sa kamay ng pulisya ang ikaapat na miyembro ng notoryus na kidnap-for-ransom gang matapos na madakma sa Barangay Bagong Nayon sa bayan ng Baliwag, Bulacan kahapon. Sa bisa ng warrant of arrest na inisyu ni Judge Gregorio Sampaga ng Malolos City Regional Trial Court Branch 78 sa kasong pagnanakaw, inaresto ang suspek na si Dennis “Dencio†Desiderio, 47, traysikel driver. Sa tala ng pulisya, si Desiderio ay isa sa mga suspek na isinangkot sa pagdukot sa biktimang si Emerson Magadia sa Barangay Sapang Putik, San Ildefonso, Bulacan noong Pebrero 14, 2013. Pinalaya naman ang biktima matapos makapagbigay ng P12- milyong ransom ang pamilya. Ayon kay P/Supt. Edwin Quilates, naunang nasakote ang iba pang suspek na sina Manuel Atencio ng Candaba, Pampanga; Azenith Briones, at si Ricardo Hovilla Jr. ng Brgy. Subic, Baliwag.
- Latest