^

Probinsiya

Magkapatid na bata natusta sa sunog

Joy Cantos - Pilipino Star Ngayon

MANILA, Philippines - Natusta ang katawan ng dalawang paslit na magkapatid matapos na makulong ng apoy sa loob ng nasusunog nilang tahanan sa Brgy. Cabadiangan, Compostela, Compostela Valley kamaka­lawa.

Kinilala ang mga nasawi na sina Julito Dejesica, 14 anyos, maysakit na polio at  2 anyos nitong kapatid na babae na si Maricar.

Ang mga ito ay halos hindi na makilala ang mga bangkay dahilan sa grabeng pagkatusta ng kanilang mga katawan.

Sa ulat ng Compostela Valley Police, naganap ang insidente bandang alas-9:30 ng umaga matapos na maiwan ang dalawang magkapatid sa kanilang tahanan.

Ayon sa imbestigasyon, pansamantalang iniwan ng ina ng mga bata ang kaniyang dalawang anak na kasalukuyan pang natutulog dahil sa maglalaba ito ng marurumi nilang damit sa ilog.

Gayunman, isa sa kapitbahay ng mga biktima ang nagparating sa ginang na nasusunog ang kanilang tahanan kaya humahangos itong umuwi pero naabo na lamang nilang bahay at labi ng kaniyang dalawang anak ang kaniyang inabutan.

Lumilitaw naman sa imbestigasyon na nakaligtaan ng ginang ang niluluto nito na siyang pinagmulan ng sunog. Isinasailalim pa ng mga awtoridad sa masusing imbestigasyon ang kasong ito.

 

vuukle comment

AYON

BRGY

CABADIANGAN

COMPOSTELA

COMPOSTELA VALLEY

COMPOSTELA VALLEY POLICE

GAYUNMAN

JULITO DEJESICA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with