^

Probinsiya

Misis binoga ng live-in, dedo

Malu Manar - Pilipino Star Ngayon

KIDAPAWAN CITY , Philippines – Binaril at napatay ang 31-anyos na misis ng kanyang ka-live-in sa loob ng kanilang tahanan sa Delima Subd., Purok Guava sa Barangay Poblacion, Kidapawan City, North Cotabato kahapon ng umaga. Napuruhan sa tagiliran na tumagos sa puso ng biktimang si Jocelyn Guabong habang tugis naman ng pulisya ang suspek na si alyas Larry. Sa ulat ni PO2 Jomerson Sumadia, huling namataang buhay ang biktima na nakikipag-inuman sa suspek. Magkasabay na umuwi ang magka-live-in subalit pagsapit sa kanilang bahay ay nagkasagutan ang dalawa na humantong sa pamamaril. Naisugod pa sa Kidapawan Doctors Hospital ang biktima subalit namatay din. Narekober sa crime scene ang isang basyo ng cal. 45 pistol habang patuloy naman ang imbestigasyon.

vuukle comment

BARANGAY POBLACION

BINARIL

DELIMA SUBD

JOCELYN GUABONG

JOMERSON SUMADIA

KIDAPAWAN CITY

KIDAPAWAN DOCTORS HOSPITAL

MAGKASABAY

NORTH COTABATO

PUROK GUAVA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with