11-anyos nalunod
MANILA, Philippines - Patay ang isang 11-anyos na batang lalaki makaraang itong aksidenteng malunod sa Cansaga Bay sa Brgy. Labogon, Mandaue City, Cebu kamakalawa ng hapon.
Kinilala ang biktima na si John Lee Rey Gelig , elementary pupil at residente ng nasabing lungsod.
Sa ulat ng Police Regional Office (PRO) 7, pasado alas-12 ng hapon ng magtungo ang biktima kasama ang dalawang kaibigan sa Cansaga Bay sa naturang lugar kung saan ang mga ito naligo.
Nabatid na ang bata ay galing sa eskuwelahan na umuwi lamang para kumain ng pananghalian ng mangÂyari ang insidente matapos magkatuwaan ang biktima at dalawa pa nitong kaibigan na maligo sa ilalim ng tulay ng Cansaga Bay.
Ang lugar ay dinaraanan ng mga cargo ship ay malalim kung saan tuluyang tinangay at nilamon ng malakas na agos ang biktima na narekober ang bangkay dakong alas-5 ng hapon.
- Latest




















